^

PSN Palaro

Ang tagumpay ni Concepcion ay kabiguan ni Viloria

-
SAN ANTONIO, Texas -- Nais masundan ni Bernabe Concepcion ang mga yapak ni Manny Pacquiao at sinimulan niya ang unang hakbang nang magtala ito ng unanimous decision kontra kay Benjamin Flores sa opening bout ng star-studded Blaze of Glory card sa Alamodome.

Taliwas naman dito ang naging kapalaran ni Brian Vi-loria na lumasap ng pagkatalo kay Edgar Sosa ng Mexico para makopo ang World Bo-xing Council light-flyweight crown sa isa pang undercard.

Gumamit ang 19-anyos na si Concepcion ng malalakas na uppercuts at epektibong bodyshots upang kontrolin ang kanyang kalaban para mapa-natili ang kanyang World Bo-xing Council youth bantam-weight crown.

Pinupog naman ni Sosa si Viloria sa huling limang rounds ng laban para makuha ang mga hurado na umiskor sa kanya ng 114-114 mula kay Burt Clemens at 115-113 mula kina Max de Luca at Jesse Reyes para tanghaling bagong kampeon.

Niyanig ni Concepcion, tubong Catanduanes, ang 22-gulang na Texan sa pamama-gitan ng left at right sa gilid ng kanyang katawan na sinundan niya ng right uppercut sa kala-gitnaan ng fourth round. Nahilo si Flores at panay na ang kapit sa Pinoy sa huling bahagi ng laban.

Ang tatlong judges ay may iskor na 97-93, 96-94, 97-93 pabor kay Concepcion.

Maganda ang simula ni Viloria, nais mabawi ang titu-long naagaw sa kanya ni Omar Nino Romero noong nakara-ang taon, ngunit tinamaan ito ng Mexican sa ikatlong round at hindi na naging madali ang laban para sa kanya.

Nagpalitan ng suntok sina Sosa at Viloria ngunit mas solido ang mga patama ni Sosa kung saan napapaatras niya ang Pinoy sa lubid at bagamat maraming tinanggap si Villoria ay hindi ito napatum-ba ng kalaban.

May pagkakataon sana si Concepcion na ma-knockout si Flores ngunit nakakonekta pa ito ng malulutong sa suntok sa huling bahagi ng labanan.

Umangat si Concepcion sa 20-wins na may isang talo at isang draw habang si Flores na mas mataas sa kanya ng dalawang pulgada ay lumasap ng ikatlong talo laban sa kanyang 14-wins.

Nagsanay si Concepcion kasama si Pacquiao sa Wild Card at tumira sa mamahaling La Palazzo ng Pinoy champ.

Nalasap naman ni Viloria ang ikalawang talo sa 20 la-ban bilang pro at umangat si Sosa sa 27 wins na may five losses. (ABAC CORDERO)

BENJAMIN FLORES

BERNABE CONCEPCION

BLAZE OF GLORY

BRIAN VI

BURT CLEMENS

CONCEPCION

PINOY

SOSA

VILORIA

WORLD BO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with