Junior League title napanatili ng Bacolod

Tanauan City -- Pinatse ni pitcher Annalie Benjamin ang 12 sa kanyang 3-hitter game nang talunin ng Bacolod ang ILLAM, 8-0 sa Junior League division (13-14) at mapanatili ang korona sa nasabing division ng Little League Philippine Series 2007 kahapon sa Altura ground dito.

Ang mga taga-Bacolod ay tumikada ng 7 run sa 2nd inning, kasama na dito ang 2-run homerun ni Janalyn Palmario habang kontrolado naman ni Benjamin ang laro na tatlo batter lang ang nakatuntong sa buong 7-inning.

Ang natalong ILLAM ay nakuntento na lang sa runner-up at ang third place ay nakamit ng Nueva Ecija.

Samantala, sa Big League softball (16-18), pormal ng nawala ang korona ng Manila na kanilang hina-wakan ng tatlong taon ng sila ay tamaan ng double whammy.

Una ay natalo sila sa ILLAM, 6-2 at pagkatapos ay yumuko naman sila sa Bacolod na ang mga manlalaro ay pawang mga high school students lang. (Anatoly dela Cruz)

Show comments