Matapos paghatian ang unang apat na racks, nakuha ni Orcollo ang dalawang sunod na racks kabilang ang unang run out sa ikaanim na rack at dalawa sa sumunod na tatlong racks para sa 6-3 pangunguna bago binulsa ni Yang ang 10th rack.
"Nagkakapaan pa," sabi ni Orcollo. "Gina-gamay pa lang namin pareho ‘yung mesa, kaya balewala pa ‘yang lamang na ‘yan. Malayo pa at saka magbabago pa rin ang mga tira namin."
Nanalo si Yang sa lag, ngunit si Orcollo ang agad kumawala at umiskor ng puntos nang maipasok niya ang 9-ball sa kan-yang break sa sixth rack.
Nag-scratch si Orcollo sa seventh rack nang tinangka nito ang 1-5 combination na nagbigay daan para simutin ng Taiwanese ang lamesa para makalapit sa 3-4.
Papunta na sa pag-tatabla ang laban nang magmintis si Orcollo sa isang angles shot sa pink-4 sa top-right corner pocket ngunit hindi rin ito naipasok ni Yang para sa 5-3 kalamangan ng Pinoy.
Nagmintis si Yang sa brown-7 sa ninth rack para sa tatlong puntos na kalamangan ni Orcollo sa laban na ito na inayos ng Bugsy Promotions ni businessman Perry Mariano at Rocketman Enterprises ni Ramon Tuason, na hatid ng San Miguel Corp., Solar Sports at ng Quezon City govern-ment sa ilalim ni Mayor Sonny Belmonte at ng city council sa ilalim ni Majority Leader Ariel Inton, kung saan nakataya ang $10,000. (Mae Balbuena)