Ika-pitong panalo ang target ng Bulls at Gin Kings ngunit kailangang bumiyahe ng Ginebra sa Dubai para gawin ito habang sa Araneta Coli-seum lamang ang desti-nasyon ng Red Bull.
Sa overseas game ng PBA sa kumperensiyang ito, sasagupain nila ang Purefoods TJ Giants sa Al-Ahli Sports Club sa Dubai sa alas-6:00 ng gabi, habang ang Phone Pals ang asignatura ng Bulls sa tampok na laro sa Big Dome sa alas-7:20 ng gabi.
Nasa three-way log-jam sa liderato ang Gin King at Bulls kasama ang walang larong Alaska na pare-parehong may 6-2 kartada at nais nilang manatili dito.
Tulad ng mainit na klima sa Dubai, mainit din ang Ginebra na may baong dalawang sunod na panalo kahit pa walang Rudy Hatfield na naasa-han gayundin sina Eric Menk at Johnny Abarrien-tos sa nakaraang laro na parehong injured at hangad nilang maitala ang ikatlong sunod na panalo sa tulong nina import Rod Nealy, Sunday Salvacion, Ronald Tubid at kung makakalaro na sina Menk at Abarrientos.
Samantala, isa na namang winning streak ang binubuo ng Air21, nagsimula sa torneo na may 4-0 record bago lumasap ng dalawang sunod na talo, at hangad nila ang ikalawang dikit na tagumpay sa pakikipag-harap sa Coke sa pambu-ngad na laban sa alas-4:35 ng hapon.
Kung magkakataon ay may tsansa ang Air21 na may 5-2 win-loss slate na makisalo sa liderato kung walang papalarin sa Red Bull at Kings kaya’t maha-laga sa kanila na masun-dan ang 116-102 panalo kontra sa Alaska noong nakaraang Linggo.
Sisikapin naman ng Tigers na makabawi sa 103-100 pagkatalo laban sa Sta. Lucia matapos nilang makuha sina Kenneth Duremdes, Alex Cabagnot at Ricky Cali-mag sa pakikipag-trade sa Realtors na malaki ang naging pakinabang kina Dennis Miranda at Manny Ramos.(Mae Balbuena)