^

PSN Palaro

Nationals yuko sa Indons

-
JAKARTA, Indonesia -- Naaalarma ngayon ang Harbour Centre-RP Team matapos malasap ang 79-74 pagkatalo sa SM Britama-Indonesia noong Huwebes ng gabi na maaaring makasira ng kanilang kampanya sa SEABA Champions Cup qualifying tournament dito.

Nahirapan ang mga Pinoy sa zone defense ng mga Indons ay nasapa-wan din sina imports Julius Nwosu at Vidal Massiah ng tambalan nina Kueth Duany at Ian Cross-white sa kanilang match-ups.

Nakakadismayang kabiguan ito at sinabi ni coach Junel Baculi na isa itong aral sa Harbour Centre-backed RP five, na inaasahang hahataw-kalabaw sa kanilang laban kontra sa Indonesians kung sila ang muling mag-lalaban sa championship game.

"At least now they will play with urgency na hindi ko pa nakikita sa kanila. In a way, maganda na rin `yung pagkatalo dahil medyo na-lessen `yung pressure. Ang masama kung sa championship nangyari sa atin ito. Ngayon we still have a chance to regroup and correct our mistakes," sabi ni Baculi.

Inaasahang magbibi-gay inspirasyon sa mga Pinoy sa torneong ito na magsisilbing qualifying tournament para sa FIBA-Asian Champions Cup ang pagdating nina bas-ketball godfather Mikee Romero at PBL chairman Gil Angeles dito.

Para mangyari ang rematch para sa finals, kailangang manalo ang mga Indonesians at mga Pinoy sa kani-kanilang huling asignatura sa preli-minary round ngayon.

Makakalaban ng RP team ang wala pang panalong Vietnam sa pambungad na laban sa alas-6:00 ng gabi habang makakasagupa naman ng Indonesia ang Petro-nas-Malaysia sa alas-8:00 ng gabing main game.

Kasalukuyang nangu-nguna ang Indonesia na may malinis na 2-0 card habang ang Harbour-RP at Petronas-Malaysia, nag-tala ng 122-37 panalo sa Vietnam kamakalawa, ay tabla sa 1-1 record.

Kailangang manalo ng Malaysians ng hindi baba-ba sa 10-puntos laban sa Indonesia para makapa-sok sa finals matapos matalo sa mga Pinoy sa opening game sa 87-82.

vuukle comment

ASIAN CHAMPIONS CUP

CHAMPIONS CUP

GIL ANGELES

HARBOUR CENTRE

IAN CROSS

JULIUS NWOSU

JUNEL BACULI

KUETH DUANY

MIKEE ROMERO

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with