Ito ay sa dahilang sina Marquez, ang kasalukuyang World Boxing Council (WBC) super featherweight champion, Barrera at Guzman ay nasa kampo ng Golden Boy Promotions.
Dahilan rito, ang ‘logical choice’ ng Top Rank para sa susunod na makakalaban ni Pacquiao matapos si Mexican featherweight Jorge Solis ay si Humberto Soto.
Sinabi ni Antonio Lozada, manager ni Soto, na uupo ang Mexican super featherweight contender sa ringside bilang Spanish language color commentator sa Pacquiao-Solis international super featherweight bout sa Linggo sa Alamodome sa San Antonio, Texas.
"Top Rank invited Soto down to be a commentator on Saturday night," wika ni Lozada."Humberto was honored by the opportunity and decided to give it a go."
Si Soto, ang ikalawang pinakasikat na boksingero ng Top Rank ngayon, ay matagal nang naghahangad na makalaban sinuman kina Pacquiao, Marquez, Barrera at Guzman, dagdag ni Lozada.
Bago si Marquez, si Soto sana ang kumalaban sa 33-anyos na si Barrera sa pagdedepensa nito ng kanyang WBC super featherweight crown bilang No. 2 contender sa ilalim ni Pacquiao, tumatayong No. 1 challenger.
Nakatakdang sagupain ni Soto ang utol ni Pacquiao na si Bobby sa Hunyo 6 bilang isa sa mga undercard sa upakan nina Miguel Cotto at Zab Judah, ayon kay Lozada. (Russell Cadayona)