^

PSN Palaro

"Kailan tayo lalabas?", Tanong ni Gay Professor kay College player!

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
 Isang professsor na bading na may puwesto sa college na pinagtuturuan niya ang nangulit sa isang guwapong college basketball player nitong nakaraang Holy Week.

Ang naturang colegio  ay kasali sa NCAA at diyan naglalaro si player. Ang naturang college player ay estudiyante ni gay professor. 

Nag-text siya kay player kung kumusta na ito.

At nung sumagot si college player na nasa probinsiya siya at nagbabakasyon, nag-text back si bading na professor ng "Mabuti ka pa, nagbaba-kasyon. Kailan naman tayo lalabas?" Alam nyo na kung ano ang insinuation sa message na yan ni professor.

Hindi na sumagot si college player pero patuloy pa ring nag-text si professor. Sa college nila ay bawal ang ganitong ang professor pa ang nangungulit sa kanilang estudiyante, lalo na nga’t may kakaibang insinuation.

Nai-save lahat ni college player ang text ni gay professor.
* * *
May balak nang magpakasal next year sina Doug Kramer at Cheska Garcia.

Matagal na rin namang magka-relasyon ang dalawang ito and I believe na nagmamahalan talaga sila.

It’s high time na magpatali na sila sa isa’t isa.

Pero sa ngayon, naka-focus si Doug sa kanyang stint para sa Cebuana Lhuillier sa PBL.

Isa sa vital cogs ni Coach Luigi Trillo sa Cebuana Lhuillier kaya naman seryosong-seryoso rin si Doug sa kanyang paglalaro.

This year, balak na ring magpa-draft ni Doug sa PBA and I am sure, pag-aagawan yan ng mga teams sa pro league.

But before that, gustong patunayan ni Doug na puwede na siya sa PBA by helping Cebuana Lhuillier sa kampanya nito sa PBL na malapit nang mag-bukas ng susunod nitong conference.
* * *
Masaya ang isang PBA player.

May bago na siyang kotse, may bago pa siyang condo.

Hindi bigay ng bading kundi galing sa sarili niyang pawis dahil kaltas na agad sa suweldo niya ang ipinambabayad.

vuukle comment

CEBUANA LHUILLIER

CHESKA GARCIA

COACH LUIGI TRILLO

COLLEGE

DOUG

PLAYER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with