Labing-apat ang ilalaro sa Major League (11-12), apat sa Junior League (13-14), apat sa Senior League (16-18) sa baseball at 3 sa Major League, 2 sa Junior League, 4 sa Senior League at 2 sa Big League sa softball.
Suportado ni Tanauan City mayor Sonia Torres-Aquino, vice mayor Junjun Trinidad at ng City Council, ang taunang Philippine Series ay paghahanda sa nalalapit na Asia-Pacific Championship sa Hunyo kung saan ang magwawagi ang kakatawan sa iba’t ibang bahagi ng Amerika para sa World Series.
Kahapon, panauhin si Nueva Ecija at kasalukuyang chairman ng Little League of the Philippines Tomas Joson III sa opening ceremony kung saan pinuri niya ang iba’t ibang organisasyon sa kanilang suportang paunlarin ang baseball at softball.
" I believed that in the game of softball and baseball, we have a big chance of being recognize as a sports power in the world since high is not a big factor in winning," ani Joson III.
Ang ILLAM ang defending champion sa Major League, Junior League at Senior League categories habang ang Tanauan ang title holder sa Big League category ng baseball.
Ang ILLAM din ang kampeon sa kababaihan at Negros Occidental naman sa Junior at Senior League at Manila sa Big League division. (Anatoly dela Cruz)