^

PSN Palaro

Masuwerte si Solis kung aabot siya ng 5th round

-
Masuwerte na si Mexican Jorge Solis kung aabot siya ng 5th round.

Ito ang prediksyon kahapon ni trainer Freddie Roach sa inaasahan niyang pagpapabagsak ni Filipino international super featherweight champion Manny Pacquiao sa featherweight na si Solis sa kanilang laban sa Abril 15 (Manila time) sa Alamodome sa San Antonio, Texas. 

"I just don’t feel he’s not strong enough to fight Manny at the 130 pound weight limit coming from 126 pounds," wika ni Roach sa 5-foot-7 na si Solis. "I don’t think this fight will be a problem for Manny." 

Sa kabila ng pagsasanay kay world junior middleweight champion Oscar Dela Hoya sa Puerto Rico, palagian namang  nagkakausap sina Roach at Pacquiao kaugnay sa training at sparring nito na pinamamahalaan ni Justin Fortune. 

Dadalhin ni Pacquiao sa ibabaw ng lona ang kanyang 43-3-2 win-loss-draw ring record tampok ang 34 knockouts, habang taglay naman ng 27-anyos na si Solis ang 32-0-2 slate kasama ang 23 KOs. 

Ayon kay Roach, wala siyang nakikitang mabibigat na nakalaban si Solis sa mga pinabagsak niyang 23 karibal bilang isang featherweight fighter. 

"He’s a little bit taller like Erik Morales. He’s a pretty good fighter and comes to you. He has 32 wins and 23 knockouts but I don’t recognize any big names on his record," sabi ni Roach sa rekord ni Solis. 

Sa sinasabing ‘sigalot’ nila ni Fortune, assistant niya sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California, sinabi ni Roach na wala silang away nito at tiyak siyang darating sa oras ng laban ni Pacquiao kay Solis. (Russell Cadayona)   

ERIK MORALES

FREDDIE ROACH

JUSTIN FORTUNE

MEXICAN JORGE SOLIS

OSCAR DELA HOYA

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with