Sa katunayan, isang giant screen ang itatayo sa loob ng isang basketball gym sa General Santos City upang mapanood ng libre ng mga kababayan ng 28-anyos na si Pacquiao ang kanyang international super featherweight fight sa 27-anyos na si Solis sa Alamodome sa San Antonio, Texas.
"Sa totoo lang dito sa GenSan, together with the local government officials, are already preparing the big screen sa gym para mapanood lahat ng mga taga-GenSan ang laban ni Manny kay Solis," sabi kahapon ni Custodio, hangad ang panibagong termino bilang kinatawan ng South Cotabato sa Kongreso.
Kamakalawa ay nagsumite si Atty. Sixto Brillantes ng petisyon sa Commsision on Elections (COMELEC) sa GenSan para ipahinto nito ang pagpapalabas ng mga advertisement ni Pacquiao sa telebisyon, radyo at pahayagan.
Ayon kay Custodio, kinakapatid ni Pacquiao, hindi niya legal counsel si Brillantes na nabibilang sa United Opposition (UNO).
"Naniniwala ako na iba naman ang laban ni Manny sa boxing. Dito kasi sa GenSan talagang sinusunod namin ang batas ng COMELEC. Sana naman sumunod rin sila para hindi sila nairereklamo ng ibang tao," ani Custodio sa kampo ni Pacquiao. (RC)