Sinimulan na ni Guiao ang naturang hakbang sa 102-90 panalo ng nagdedepensang Barakos sa Coca-Cola Tigers sa 2007 PBA Fiesta Conference noong Linggo.
"In the meantime, we share responsibilities. Siya ang tumatawag ng play, ng substitution sa likod ng bench, ako naman sa loob ng court," wika ni assistant coach Gee Abanilla sa pag-upo ni Guiao sa likod ng kanilang bench.
Isinumite na ni Guiao ang kanyang Certificate of Candidacy (COC) sa COMELEC noong nakaraang Linggo para sa hinahangad na ikalawang sunod na termino bilang Vice-Governor ng Pampanga.
Hindi na bago kay Guiao ang pagkawala sa bench ng Barakos. Noong 2004, si Abanilla rin ang nagmistulang mentor ng Red Bull sa ilan nilang laro habang abala sa pangangampanya si Guiao. "I did the same in 2004. I was campaigning and at the same time I was coaching Red Bull in the PBA," ani Guiao. "Of course, there might be some people who will question that, but my legal counsel is ready to face whatever it is."
Ayon kay Abanilla, ang mga artista lamang na kumakandidato sa isang national position ang pinagbabawalan ng COMELEC na lumabas sa telebisyon. Isa na rito si actor/sportsman Richard Gomez na isang Senatoriable. (RC)