Susunod na kalaban ni Dandan ang Slovak Republic bet na si Borut Puc, umiskor ng 7-5, 6-2 panalo laban kay Milos Sekulic ng Sweden.
Si Dandan ay 2-1 na ngayon laban kay Peng, na tumalo sa kanya sa unang pagkakataon sa 2004 Futures Foundation International Juniors na ginanap sa Pasig City. Ngunit nakabawi si Dan-dan sa pagkatalong ito sa Junior Davis Cup na ginanap sa Manila Polo Club.
Kahanga-hanga ang inilaro ni Dan-dan, ang tanging Pinoy na inimbita-han sa ITF Juniors team na nag-tour sa Europe noong nakaraang taon na su-morpresa sa world juniors’ No. 22 na si Peng, ranked No. 15 sa Taipei.
Sa iba pang laban, pinabagsak ni top seed Australian John Patrick Smith si No. 16 Indian Yuki Bhambri, 6-2, 6-4, at susunod nitong kalaban ang kababayang si sixth-seeded Andrew Thomas na nagtala ng 7-6 (8), 6-3 panalo kay Taiwanese Tsung-Hua Yang.
Tinalo naman ni se-cond seed Australian Stephen Donald si No. 15 Japanese Tadayuki Long-hi, 6-1, 6-2, upang maka-usad kontra kay un-seeded Silvio Dadic ng Croatia, na nanalo kay No. 8 Eugen Bradzil ng Slovak Republic, 6-4, 6-1.
Dinimolisa naman ni fourth seed Kittipong Wachiramanowong ng Thailand si No. 14 Ras-mus Jonasson ng Swe-den, 6-1, 6-0, upang mai-puwersa ang quarterfinal showdown laban kay No. 12 Australian Bernard Tomic, na sumilat kay No. 7 Russian Nikita Zotov, 6-2, 7-5. (MBalbuena)