Ipinoste ng USC at USJR ang magkatulad na 3-0 kartada sa Visayas Eliminations upang maku-ha ang tiket patungo sa Boracay sa 11th Nestea Beach Volley kahapon sa La Salle-Greenhills.
Iginupo nina Roderick Arenasa at Edward Tec-son ng USC sina Marlon Luces at Mark Sabusap ng University of St. La Salle-Bacolod, 19-21, 21-19, 15-9, sa men’s class, samantalang tinalo na-man nina Juliet Fe Marikit at Genie Sabas ng USJR sina Yvonne at Erika Verano ng University of Southern Philippines Foundation, 21-11, 21-16, sa distaff side.
"Third time namin na makarating sa Boracay, sana makapasok kami sa finals," panalangin ng 19-anyos na si Arenasa, pumuwesto bilang fifth placer noong 2006 katam-bal ang dating partner na si Nelson Dayondon.
Bukod sa USC, naka-kuha rin ng biyahe patu-ngong Boracay si-na James Ryan Rivera at Ronald Melencio ng USPF sina Rolando Agus at Arnel Madeo ng Foun-dation University, 21-17, 21-17.
Makakasabay naman nina Marikit at Sabas ng USJR sa main draw sina Janez Armie Igot at Jusabelle Brillo ng Univer-sity of the Visayas mata-pos biguin sina Maritess Natad at Janelle Tabio ng three-time champions Southwestern University via straight sets, 21-11, 21-14.
"Last year runner-up kami sa St. Benilde. Hopefully, bago ang partner ko ngayon at sana makarating ulit kami sa finals," wika ng 22-anyos na si Marikit, nakatuwang ang dating katambal na si Michelle Matutina noong 2006.
Samantala, lalarga naman ngayong araw ang Mindanao Eliminations kung saan ang top three teams sa mern’s at women’s category ang papasok sa main draw. (Russell Cadayona)