Hindi man popular si Solis, bigating boksingero pa rin ito
March 28, 2007 | 12:00am
Sa kabila ng pagiging ‘unpopular’ ni Mexican featherweight champion Jorge Solis, magiging mabigat pa rin itong kalaban ni Filipino inter-national super feather-weight titlist Manny Pacquiao.
Ito ang sinabi ni Bob Arum ng Top Tank Promo-tions kaugnay sa sina-sabing magiging ma-gaang ang pagdedepen-sa ng 28-anyos na si Pacquiao ng kanyang World Boxing Council (WBC) International super featherweight crown laban sa 27-anyos na si Solis.
"Yes, it’s going to be real hard fight that is why he trained so hard in the Philippines," sabi kahapon ni Arum sa laban ni Pacquiao kay Solis sa Abril 14 sa Alamodome sa San Antonio, Texas. "The truth is that if Solis had to fight somebody like (Marco Antonio) Barrera, I don’t know who would win that fight."
Si Pacquiao ay kasalukuyang sinasanay ni Justin Fortune, assistant ni Freddie Roach, sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California, habang nag-eensayo naman si Solis sa isang bundok sa Mexico.
Tangan ni Pacquiao, inaasahang magsusumite ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) sa Koronadal City sa pama-magitan ni Atty. Jing Gacal para sa isang Congres-sional seat sa South Cota-bato ngayong araw, ang 43-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 34 knockouts kumpara sa 32-0-2 (23 KOs) ni Solis.
"Just because he is Mexican doesn’t mean that he is a brawler. In the little that I have seen him fight, he’s a combination boxer/puncher. He is not a real brawler, we knew that," sabi ni Arum sa pagiging isang Mexican fighter ni Solis.
Sa usap-usapang umalis na si Barrera, inagawan ni Juan Manuel Marquez ng WBC super featherweight crown, sa karibal na Golden Boy Promotions ni Oscar Dela Hoya, sinabi ni Arum na ang Mexican warrior lamang ang tanging ma-kakapagdesisyon kung papayag sa rematch nila ni Pacquiao.
Matatandaang maka-raang matalo kay Mar-quez, sinabi ng 33-anyos na si Barrera na aalis na siya sa kampo ni Dela Hoya. (RCadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am