^

PSN Palaro

Ligtas ang seguridad sa Palarong Pambansa

-
Kumpara noong naka-raang taon, mas magiging ligtas ang lahat ng partisi-pante para sa 2007 Pala-rong Pambansa sa Abril 22-28 sa Koronadal, South Cotabato.

"The security is satis-factory at this point, and we hope na tuluy-tuloy na ito until the staging of the 2007 Palarong Pamban-sa," wika ni national secre-tariat chief Len Toledo sa pakikipagtulungan na rin ng Department of Educa-tion (DepEd) sa Philippine National Police (PNP).

Sa 2006 Palarong Pambansa na idinaos sa Naga City, hindi lumahok ang National Capital Re-gion (NCR), Cebu at Ba-colod bunga ng problema sa seguridad.

Inaasahan ni Toledo na mapapanatag na ang kalooban ng naturang mga partisipante para sa naturang annual sports event sa Koronadal.

Bukod sa kaligtasan ng mga delegasyon, na-ging suliranin rin ng Dep-Ed ang age eligibility ng mga student/athletes kung saan isang track-ster at isang baseball player ang sinasabing di-naya ang edad ng kani-lang mga coach.

"As early as last year puspusan na ‘yung gina-wa naming implemen-tasyon ng stricter guidelines regarding the eligibility of the athletes. We already corrected our screening guidelines para hindi na mangyari ‘yung katulad noong 2006," ani Rose Domingo, chairman ng na-tional screening committee.

Labing apat na sports events ang nakalinya sa ele-mentary category, at 17 ang sa secondary division. (R. C.)

DEPARTMENT OF EDUCA

KORONADAL

LEN TOLEDO

NAGA CITY

NATIONAL CAPITAL RE

PALARONG PAMBAN

PALARONG PAMBANSA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with