^

PSN Palaro

Morales muling papaimbulog

-
 Matapos ang kanyang dalawang sunod na pagka-talo kay Filipino boxing idol Manny Pacquiao noong 2006, inaasahang muling papaimbulog ang makulay na boxing career ni Mexican boxing legend Erik Morales. 

Kasalukuyan nang pina-plantsa ang muling pagsabak ng 31-anyos na si Morales, dating naghari sa super bantamweight, featherweight at super featherweight divi-sion, ngayong taon. 

Mula sa pagdomina sa naturang tatlong weight division, aakyat naman si "El Terrible" sa lightweight class sa paghahamon sa nagha-haring si David Diaz sa Hulyo 15 saan man sa Chicago o San Antonio. 

Si Diaz ang kasaluku-yang namamayagpag sa lightweight division ng World Boxing Council (WBC). 

Ayon kay Morales, sisi-mulan na niya ang kanyang paghahanda sa Abril sa Otomi Mountains sa Mexico sa hangaring maidagdag ang nasabing WBC lightweight crown ni Diaz sa kanyang mga koleksyon. 

Matatandaang tinapos ng 28-anyos na si Pacquiao ang kanilang ‘trilogy’ ni Morales noong Nobyembre 18, 2006 sa Las Vegas, Nevada mat-apos nitong pabagsakin ang Mexican warrior sa third round ng kanilang WBC Inter-national super featherweight championship.

Makaraang matalo kay Pacquiao, binigo niya sa kanilang unang laban noong Marso ng 2005, ang rematch kay dating WBC super featherweight titlist Marco Antonio Barrera ang inaasa-han ni Morales na mang-yayari. (RCadayona)

DAVID DIAZ

EL TERRIBLE

ERIK MORALES

LAS VEGAS

MARCO ANTONIO BARRERA

OTOMI MOUNTAINS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with