Ang Coke ay hindi na ngayon bahagi ng San Miguel Corporation dahil isinauli na ito sa kanilang mother company na Coca-Cola International sa Atlanta.
Ini-retain ng Coke ang kanilang basketball team kung saan kabilang si Caidic bilang team manager ngunit nasa San Miguel pa rin ang puso ni Caidic kung saan niya ginugol ang maraming taon ng kanyang basketball career bago naging coach ng Barangay Ginebra hanggang sa maging team manager ito ng Gin Kings bago lumipat sa Coke.
"Malungkot dahil I’m leaving a team that I have grown to love and at the same time happy dahil I’m returning to San Miguel Corp.," ani Caidic na lumipat sa Coke noong Nobyembre at kailangan lamang niyang tapusin ang transition period matapos matuloy ang pagsasalin ng San Miguel sa Coke sa kanilang international company, ilang linggo pa lamang ang nakakaraan.
Matatapos ang panunungkulan ni Caidic sa Coke sa Marso 31 ngunit mas maaga pa ang kanyang pag-alis sa Tigers."
"Wala na kasi kaming laro ng March after Sunday. E one month transition period lang ang agreement namin with Coke," ani Caidic. "I’m keeping my options open, but returning to San Miguel is my first move," pahayag ng 1990 MVP na si Caidic na nagsabing magiging mahirap din sa kanya na iwanan ang Coca-Cola.(Mae Balbuena)