Express lusot sa Giants sa OT
March 24, 2007 | 12:00am
Hindi natinag sa pangkalahatang pamumuno ang Air21 nang kanilang hatakin ang 107-103 panalo laban sa Purefoods sa pagtutulungan nina Gary David at Mark Telan sa pag-usad ng Talk N Text PBA Fiesta Conference sa Cuneta Astrodome kagabi.
Sa likod ng mahinang performance ni import Shawn Daniels na nalimitahan sa walong puntos, nagbida sina David na tumapos ng career-high at team high na 32-puntos at Telan na tumapos ng double double performance sa pagkamada ng 27-puntos at 21 rebounds tungo sa ikaapat na sunod na panalo ng Express upang manatili sa liderato.
Naglaho man ang 19-puntos na kalamangan sa ikalawang quarter ng Express nang maitabla ng Purefoods ang iskor sa 90-all matapos ang freethrows ni import Marquin Chandler na nagsumite ng 42-puntos sa kanyang ikalawang game kapalit ni Jesse King, sa regulation na naging sanhi ng overtime, umiskor si David ng walong puntos sa overtime at ilang krusyal na errors ng TJ Giants ang nagpreserba ng panalo ng Express kahit na maaari na nilang tapusin ng maaga ang laro sa regulation pa lamang kung hindi nagmintis si David sa kanyang buzzer beating basket.
Samantala, kasalukuyan pang naglalaban ang Sta. Lucia at Red Bull habang sinusulat ang balitang ito.
Dadako ang aksiyon sa Cabanatuan City sa pagsasagupang Talk N Text 1-2 at Welcoat 1-3 sa Araullo Gym sa alas-6:00 ng gabi. (Mae Balbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest