Kaya naman kinuha na ni Viloria si Dan Goosen bilang bago niyang trainer para sa kanyang laban kay Mexican Edgar Sosa sa Abril 14 sa Alamodome sa San Antonio, Texas.
"I love Freddie Roach and the Wild Card Gym people. But Freddie is spread out so thin that he can no longer give the time I expected him to devote to me. Dan, on the other hand is there with me 100% of the time while I am at his gym. We have plenty of time to train, discuss tactics and our game plan," ani Viloria.
Pag-aagawan nina Viloria at Sosa ang naba-kanteng light flyweight title ng World Boxing Council (WBC) sa undercard ng Manny Pacquiao-Jorge Solis international super featherweight fight. Ipapa-rada ni Viloria, inagawan ng WBC light flyweight belt ni Mexican Omar Nino noong 2005 bago muling nabigo sa kanilang rematch noong Nobyembre ng 2006, ang 19-1-1 win-loss-draw ring record kasama ang 12 knockouts, habang ibabandera naman ni Sosa ang kanyang 26-5 (14 KOs) card.
Binakante ng WBC ang naturang light flyweight division matapos mapatunayang gumamit si Nino ng methamphetamine, isang banned substance, sa kanilang rematch ni Viloria.
"My present set-up is best for me and I feel that will reflect on the fight night where I expect to regain the title," wika ni Viloria ng Ilocos Sur. (Russell Cadayona)