^

PSN Palaro

Southridge team, kampeon sa baseball!

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Ang baseball ay isang sport na sikat sa ibang bansa pero hindi dito sa atin.

Sayang, dahil napaka-exciting ng larong ito. It’s good to know na maraming kabataan na din pala ang naa-addict sa larong baseball.

Nakapanood kami ng isang baseball tournament para sa mga bata, talagang mga tsikiting dahil 5 to 6 years old pa lang ang magkakalaban.

Nakakatuwa dahil sa murang idad nila, nahilig na rin sila sa larong baseball and we just hope that in the future, sila ang magiging baseball heroes natin.

Ito po ay ang TOT baseball tournament at talagang matutuwa ka sa eksena ng mga batang ang liit liit pa eh kay gagaling nang mag-baseball.

Tapos, makikita mo ang mga magulang sa sidelines na asikasong asikaso ang mga anak nilang kaybabata pang na-involve sa sports.

I promised them na isusulat ko sila sa PSN dahil sabi nga nila, wala namang ibang pumapansin sa kanila.

Narito ang report nung finals day nila kung saan nanalo ang Southridge baseball team.

Tinalo ng  Southridge School Baseball Team ang  Ateneo de Manila Baseball Team at nakopo ng tuluyan ang  TOT Baseball Shetland Division Finals sa finals na ginanap nung March 11, 2007 sa La Salle Greenhills Baseball Field. Ang event na ito ay sponsored ng TOT Baseball Phils, Inc. Nanalo ang  Southridge sa score na  25-24 laban sa  Ateneo after 5 innings.

Ang Southridge team ay binuo ng  12 kabataan  ages 5-6 year olds from Senior Kinder and Prep level. Ang  head coach ay ang National player na si Alex Razon at siya’y tinulungan ng tatlo pang ibang coaches na kinabilangan nila former Olympian Rudy Lugay, National Team Player Jonard Pareja at SR Baseball Head Boyet Bernardo.

Anim na teams ang sumali sa tournament na nag-umpisa pa nung August 2006 pero ngayong buwan lang natapos--Miriam College, La Salle Greenhills, De La  Salle Zobel, and Northfield. Ang mga naging sponsors ng champion team ay ang Lawton Auto Supply, Inc headed by Manager Cherry Tan and Assistant Managers Rhea Ueda and Mae Mendoza.

Binabati namin ang buong Southridge team--Dino Mendoza, Yoji Ueda, Martin Tan, Cobey Tingzon, Enrique F. Cuervo, Joaquin Fernandez, Chris Clark,  Enzo Uichanco, Rafa Macatulad, Chino Guerrero, Joaquin Lee and Basil Taylo.

Tuwang-tuwa ang manager na si Cherry Tan sa panalo nila. "It’s a great sight looking at these little boys excel in baseball at their young age. I just hope that baseball becomes a popular sport in the Philippines and I really hope na mas marami pang kabataan ang matuto ng sport na ito. It’s really an exciting sport," sabi ni Cherry.

vuukle comment

ANG SOUTHRIDGE

ATENEO

BASEBALL

BASEBALL HEAD BOYET BERNARDO

BASEBALL PHILS

SOUTHRIDGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with