Parehong wala pang panalo ang dalawang koponang ito matapos ang tatlong laro sa Talk N Text PBA Fiesta Confe-rence na dahilan ng kani-lang pagsasalo sa kulelat na posisyon.
Kaya parehong impor-tante sa dalawang kopo-nang ito ang kanilang laban ngayon sa pagpa-patuloy ng aksiyon sa Araneta Coliseum.
Alas-7:20 ng gabi ang labanan ng mga inaalat na koponang ito pagkatapos ng pampaganang sagu-paan ng Alaska at Wel-coat Paints sa alas-4:35 ng hapon.
Ilalaro na ngayon ng Purefoods ang kanilang old reliable na si Mar-quinne Chandler sa pag-asang makakaahon sila sa ilalim ng team stand-ings.
Matagal nang nasa bansa si Chandler, ang Best Import noong naka-raang taon sa kumpe-rensiyang ito ngunit kina-ilangan nilang pagti-yagaan muna si Jesse King.
Nagkaroon ng injury sa tuhod si Chandler mula sa kanyang pinanggali-ngang torneo at sa katu-nayan ay hindi pa lubos itong nakakarekober ngu-nit dahil sa sitwasyon ng Purefoods ay kailangan na itong magtrabaho.
"I have no choice," pahayag ni coach Ryan Gregorio ng Purefoods. "We need to play Marquin now and take a chance or risk being left too far behind (in the standings)."
Mas lalong walang suwerte ang San Miguel sa kanilang import.
Ang una nilang choice na si Kelly Whitney ay hin-di pumasa sa 6’6 height ceiling, at ang ikalawa na si Vidal Massiah ay wala ring dalang pag-asa nang mabokya pa ito sa kan-yang ikalawang laro.
Kumuha na ng kapalit ang Beermen sa katau-han ni Paul McMillan ngunit hindi rin ito impre-sibo sanhi ng ikatlong sunod na talo ng Beer-men.
Dahil hindi maremed-yuhan sa import, may balitang hinugot ng San Miguel mula sa Ginebra si Siot Tanquingcen para halilihan ang interim coach ng San Miguel.
Sa unang laro, tangka ng Alaska na makabawi sa kanilang pagkatalong sumira sa kanilang back-to-back win laban sa Welcoat na nais namang makakalas sa three-way tie sa 1-2 record sa Sta. Lucia at Phone Pals.
Kung magtatagumpay ang Alaska, sasaluhan nito sa 3-1 record ang Coca-Cola at Red Bull sa likod ng surpresang lider na Air21 na may malinis na 3-0 record. (MB)