Ito ay ang pagtatatag ng Honda Safety Driving Center kung saan hindi lamang ang mga drivers ang makikinabang kundi maging ang pedestrian mismo.
Noong naimbitahan tayo ng Honda Philippines, ang number one motorcycle sa bansa, sa Motorshow sa Japan may limang taon na ang nakakalipas, dito ipinakilala sa mga Pinoy writers (mula sa tabloids at broadsheets) ang kanilang napakaganda at napaka-lawak na driving center.
Sa Japan kasi, makakakuha ka lang ng lisensiya sa driving kung nakatapos ka ng kurso sa Honda Driving Center.
Kaya naman dinadala ng Honda (sa tulong ng Honda Philippines at Honda Cars Philippines) dito sa ating bansa ang driving center na ito na matatag-puan sa East Service Road, Parañaque at may sukat na 2.3 hektarya.
Ito ay sa pakikipag-uganayan na rin ng Land Transportation Office.
Ang mga kurso na makukuha dito ay para sa indi-vidual drivers, company drivers ( sa mga deliveries, messengerial at courier services), public utility drivers ar traffic enforcers.
May road safety lessons din para sa mga kaba-taang may edad 7 taong gulang hanggang 15 na tatawaging Youth for Environment and Safety Movement o YES! Move.
Importante ito para sa mga kabataan na matutu-nan ang road safety bilang pedestrian, commuters o bicycle riders.
Marahil napapanahon na ito. Sa dinami-dami ng aksidenteng may kaugnayan sa kalsada o sasakyan tila hindi pa rin natututo ang mga Pinoy.
Kaya naman hindi porke ang Honda ang naglunsad nito, ibig sabihin ay exclusive lamang ito sa mga Honda user-costumer. Ito ay bukas sa lahat ng ibig mag-enrol kahit na hindi kayo Honda user. At hindi lamang ito dito sa Pinas magagamit kundi maging sa ibang bansa. Ang bawat maka-katapos dito ay bibigyan ng sertipikasyon ng pagsasanay.
Maganda ang ideyang ito at sa pakikipagtulungan ng LTO inaasahang magiging matagumpay ang programang ito.
Pawang mga skilled drivers na nag-aral sa Bukit Batok Driving Center sa Singapore ang mga instructors at upang masiguro ang kaligtasan at mamintina ang teaching standards, isang resident technical instructor mula sa Japan ang makakasama ng mga instructors dito. Ito rin ang magtuturo sa pagdisenyo ng training modules na akma sa mga Pinoy drivers.
Inaasahang magbubukas ang HSDC sa Oktubre.