RP team ni Reyes sa Asian Champions Cup, Harbour Centre sa SEABA Cup
March 20, 2007 | 12:00am
Ang Pambansang koponang sinasanay ngayon ni coach Chot Reyes ang sasabak sa Asian Champions Cup. Ito ang sinabi kahapon ni Reyes pagkatapos ng kanilang ensayo sa Moro Lorenzo Gym sa Ateneo kahapon.
Ang Harbour Centre mula sa Philippine Basketball Association ang kakatawan ng bansa sa Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Champions Cup sa Jakarta, Indonesia sa Abril 8-13 ngunit ang RP Team ni Reyes ang lalaro sa Asian Championships.
Ang Asian Champions Cup ay gaganapin sa May 9-14 at isa itong magandang pakondisyon para sa SEABA Mens Basketball Championships na gaganapin naman sa Thailand sa May 24-28.
Inaasahang dodominahin ng All-pro squad ang SEABA Men’s basketball championships kung saan ang champion team ay makakasama sa FIBA-Asia men’s championships, ang qualifying tournament sa inaasam na Olympics na gaganapin naman sa Beijing, China sa susunod na taon.
Tutungo ng Los Angeles ang RP squad para sa isang training camp babalik sa Pinas bago ang PBA All-Star week kung saan makikibahagi ang mga players na nasa pambansang koponan. Aalis ang team patungong Amerika sa Marso 29 para sa 12-araw na training camp sa L.A. (MB)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest