Diretso sa ika-3 ang Air21
March 19, 2007 | 12:00am
Mula sa dating pagiging cellar dweller, nasa unahan na ngayon ang Air21.
Naitala ng Express ang ikatlong sunod na panalo nang kanilang iposte ang pinaghirapang 124-118 panalo kontra sa Talk N Text sa tulong ni Gary David at import Shawn Daniels na nagtala ng unang triple double sa kumperensiyang ito sa pagpapatuloy ng PBA Fiesta Cup sa Araneta Coliseum kagabi.
Inihatid ni Gary David ang laro sa overtime kung saan umatake ang Express sa huling bahagi ng labanan tungo sa kanilang tagumpay na nagpanatili ng kanilang malinis na kartada.
Pinarisan ng Express ang 3-0 record ng Red Bull para pansamantalang pagsaluhan ang liderato.
Ngunit habang sinusulat ang baltang ito ay nakikipaglaban ang Bulls sa Barangay Ginebra. Kung matatalo ang Red Bull, ang Express ang magiging solo lider.
Mula sa 113-111 kalamangan ng Phone Pals sa overtime, umatake ang Air21 sa pamamagitan ng 12-2 produksiyon para sa 123-115 bentahe patungo sa huling 58.8 segundo ng labanan.
Sa naturang yugto, gumawa si David ng dalawang mahahalagang basket sa kanyang tinapos na 20-puntos sa likod ni import Shawn Daniels na nagsumite ng 26 puntos bukod pa sa kanyang 11-board at 10 assists.
Malakas ang simula ng Phone Pals na umabante sa 60-44 sa halftime matapos magbida si import James Sullinger na kumamada ng 22 sa kanyang 31-puntos matapos ang unang dalawang quarters ngunit nalimitahan ito sa siyam na puntos sa second half at bokya sa overtime sanhi ng ikalawang talo ng Talk N Text sa tatlong laro.
Humantong ang laro sa overtime nang pumukol si David ng tres sa huling 10.3 segundo ng labanan at nabigong makapag-convert ang Phone Pals na nawalan ng Asi Taulava, Ren-ren Ritualo at Jimmy Alapag na miyembro ng all-Pro RP Team ni coach Chot Reyes, sa kanilang posesyon sanhi ng 107-pagtatabla ng iskor.
Anim na Air21 players ang umiskor ng double digit. Bukod kina Daniels at David, nag-ambag naman si Mark Telan ng 21-puntos, 15 kay Arwind Santos, 12 kay Homer Se at 10 kay Nino Cañaleta. (MBalbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended