^

PSN Palaro

Peñalosa vs Ponce De Leon

-
Noong 1997 sa Tokyo, Japan, isang split decision ang kinuha ni Filipino fighter Gerry Peñalosa upang agawin ang World Boxing Council (WBC) super flyweight crown ni Hiroshi Kawashima.

Ngayon sa Las Vegas, Nevada, muling tatangkain ng 34-anyos na si Peñalosa na tanghaling kampeon kasabay ng pagbibigay ng karangalan sa Pilipinas. Dala ang panalangin ng sambayanang Filipino, sasagupain ni Peñalosa si World Boxing Organization (WBO) super bantamweight champion Daniel Ponce De Leon ng Mexico sa Mandalay Bay Arena sa Las Vegas, Nevada.

"Naniniwala akong hindi tatagal ang laban," sabi ni Peñalosa, nagdadala ng 51-5-2win-loss-draw ring record kasama ang 34 knockouts kumpara sa 30-1 (28 KOs) ng 26-anyos na si Ponce De Leon.

Idedepensa ni Ponce De Leon, kilala bilang isang knockout artist, ang kanyang WBO super bantamweight title sa ikatlong sunod na pagkakataon matapos na ring talunin sina Sood Looknongyangtoy noong 2005 at Al Seeger noong 2006.

Bukod sa isang knock-out, kailangan rin ni Peñalosa na maipakita sa tatlong hurado ang kanyang pagiging agresibo at pagkagutom sa korona.

"Siyempre, dapat ma-impress ‘yung mga judges para mabigyan ako ng score kung tatagal sa 12 rounds ang laban," sabi ni Peñalosa, sinasabing nakatakda nang magretiro sa sandaling maagaw ang korona ni Ponce De Leon.

Sa sandali namang talunin niya si Peñalosa, puntirya naman ni Ponce De Leon ang suot na WBC super bantamweight belt ni Rafael Marquez, kapatid ni Juan Manuel Marquez na hahamon kay WBC super featherweight champion Marco Antonio Barrera.

"It’s going to be a devastating win for me and I will look better after this fight," pangako naman ni Ponce De Leon.

Bukod kay Peñalosa, nasa undercard rin ng Barrera-Marquez fight si Diosdado "The Prince" Gabi, may 28-3-1 (20 KOs), ng Davao City laban kay Antonio Cochero (7-3-0) ng Columbia. (Russell Cadayona)

AL SEEGER

ALOSA

ANTONIO COCHERO

BUKOD

LAS VEGAS

NTILDE

PONCE DE LEON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with