^

PSN Palaro

Si Caguioa na lang ang wala

-
Isa na lang ang kulang, kumpleto na ang cast ng national team.

Inaasahang darating bukas si Mark Caguioa upang kumpletuhin ang National team na nagsimula na ng kanilang training patungo sa pinapangarap na pagbabalik ng bansa sa Olimpiyada.

Dumating na kamakalawa si Jayjay Helterbrand mula sa South Carolina habang nakatakdang dumating kahapon si Mark Caguioa mula sa Los Angeles ngunit nagkaroon ng aberya kaya’t inaasahang bukas pa siya makakasama sa practice.

Nagsimula ang training ng All-pro team ni coach Chot Reyes noong Lunes kung saan hindi nakibahagi si Danny Seigle dahil may sakit na ito ngunit nagsimula na rin itong mag-ensayo.

Kahit kararating lamang ni Helterbrand, sumabak na agad ito sa practice kahit wala pang kumpletong tulog mula sa kanyang mahabang biyahe.

Ang iba pang nagtre-training ay sina Asi Taulava, Jimmy Alapag, Ren-ren Ritualo, Dondon Hontiveros, Tony dela Cruz, Mick Pennisi, Ranidel de Ocampo at Kerby Raymundo kabilang ang mga alternates na sina Romel Adducul at Enrico Villanueva.

Hindi na sumasama sa ensayo sina Rudy Hatfield na tuluyan nang tinanggal sa listahan kahit sa reserve list gayundin si Rafi Reavis dahil mayroon itong injury.

Maaari pa ring mabago ang komposisyon ng national team kahit hanggang sa mag-qualify na ang bansa sa Olympics.

Maari pa ring ikonsidera sina Eric Menk, Kelly Williams, James Yap, Willie Miller at iba pang magkakaroon ng magandang performance bago ganapin ang Olimpiyada sa susunod na taon sa Beijing China.

Sa ngayon, ang kasalukuyang komposisyon ng koponan ang isasabak sa mga FIBA- tournaments, ang una ay ang SEABA Championships sa Ratchaburi Thailand sa Mayo 24-28 na qualifying event para sa FIBA-Asia Championships kung saan ang top two teams ay magkakaroon ng slot sa 2008 Olympics. (Mae Balbuena)

ASI TAULAVA

ASIA CHAMPIONSHIPS

BEIJING CHINA

CHOT REYES

DANNY SEIGLE

DONDON HONTIVEROS

ENRICO VILLANUEVA

MARK CAGUIOA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with