Fiesta Fistiana boxing ibabalik
March 14, 2007 | 12:00am
Ibabalik ang Fiesta Fistiana boxing event ngayong taon na may bagong set-up ngunit mananatili pa rin ang misyong matulungan ang mga nag-retire nang boksingero kasabay ng pagpro-promote ng boxing.
Inihayag ng Philippine Sportswriters Association (PSA) kahapon ang pagbibigay buhay sa fund-raising boxing event na ito na huling ginanap noong taong 2000 at itatanghal ngayon sa pakikipagtulungan ng Manila Sports Council (MASCO) sa ilalim ng chairman nitong si Arnold ‘Ali’ Atienza.
Ang pondong malilikom sa April 29 boxing promotion sa Rajah Sulayman Park na katatampukan ng laban nina reigning RP lightflyweight champion Sonny Boy Jaro at challenger Alfred Nagal ay ibibigay sa Games and Amusements Board (GAB) para ipamigay sa mga nangangailangang boksingero.
Imbes na pera na dati nang ibinibigay sa mga boksingero, pangkabuhayan ang ipagkakaloob sa mga karapat-dapat na boksingero sa pagkakataong ito.
"We’re no longer giving money. Mas magandang kabuhayan ang ibigay natin sa kanila, because we’ve seen many boxers in the past na nabigyan ng kaunting halaga, pero saglit na panahon lang, ganun pa rin ‘yung estado ng buhay nila," wika ng 34-gulang na si Atienza sa launching ng program sa lingguhang PSA Forum sa main function room ng Pantalan Restaurant sa Manila kahapon.(Mae Balbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended