Ito ang inihayag kahapon ni PBA Commissioner Noli Eala na nag-obserba ng unang ensayo ng RP Team ni coach Chot Reyes sa Moro Lorenzo gym sa Ateneo campus kahapon.
Pormal na tinanggap ng International Basketball Federation o FIBA ang bid ng Thailand na maghost ng SEABA Championships at pagbasura sa hiling ng SBP-BAP na ganapin ang naturang torneo dito sa bansa.
"We have just received confirmation from FIBA that they already awarded the SEABA hosting to Thailand," ani Eala na nagsalita para sa SBP-BAP.
Natanggap kahapon ng SBP-BAP ang sulat mula kay FIBA-Asia secretary general Datu Yeo Choo Hock Rachaburi.
"It could have been nice if we hold the SEABA here," ani Eala. "We just have to wait for our turn to host SEABA.
Gayunpaman, sinabi ni Eala na hindi pa ganap na sumusuko si SBP-BAP president Manny Pangilinan.
"Mr. Pangilinan is asking for clarification from FIBA." Ayon kay Eala, kahit saan paman ganapin ang SEABA, palaban pa rin ang RP Team. "Whether it is going to be held here or outside the country, SEABA will still be part of the training program of the RP Team," ani Eala.
Kinokonsiderang ang SEABA ay magiging bahagi lamang ng paghahanda ng bansa para sa FIBA-Asia Championships na gaganapin sa Japan bilang qualifying tournament para sa 2008 Olympics sa Beijing, China.
Nilinaw naman ni Eala na hindi ipapadala sa SEABA Championships Cup ang RP team dahil hindi ito saklaw ng obligasyon ng PBA.
Ang SEABA Champions Cup ay torneo para sa mga kampeon ng iba’t ibang liga sa Southeast Asia at ang ipapadala rito ay ang PBL Silver Cup champion na Harbour Centre.
Gayunpaman, sinabi ni Eala na handa silang tumulong sa PBL. (Mae Balbuena)