Pinabagsak ni Ganoy si Robbie Peden ng Aus-tralia sa eight round upang angkinin ang International Boxing Federation (IBF) Pan Pacific lightweight crown kamakalawa sa Brisbane, Australia.
Pinaliguan ni Ganoy, lumalaban bilang isang super featherweight, ng mga suntok si Peden mula sa sixth hanggang seventh round kung saan naisalba ang Australian ng pagtunog ng bell.
Pagsapit sa eight round ay hindi na tinan-tanan ni Ganoy si Peden na nagresulta sa isang knockout.
Ang naturang pag-angkin ni Ganoy sa IBF Pan Pacific lightweight title ang nag-angat sa kanya sa 21-10-2 win-loss-draw ring record kasama na rito ang 10 KOs, samantalang bumaba naman ang karta ni Peden sa 25-3 (14 KOs).
Bago si Peden, umali-pusta sa kapatid ni Filipino boxing idol Manny Pac-quiao na si Bobby dahil sa pag-atras nito sa kanilang laban noong 2006, iniligpit muna ni Ganoy ang isa pang Australian boxer na si Fatai Onekeke noong Setyembre 15 ng 2006.
Tinalo ni Ganoy si Onekeke, ang dating Commonwealth Games champion, sa 7th round ng kanilang laban.
Si Peden ang tinalo ni Mexican Marco Antonio Barrera via unanimous decision sa kanilang world super featherweight bout noong Setyembre ng 2005 sa Las Vegas, Nevada. (RCadayona)