Haharapin nila ngayon ang San Miguel Beer na may nais ding patunayan na kaya nila kahit na nawalan sila ng dalawang key players na naghatid sa kanila sa finals ng nakaraang PBA Philippine Cup.
Tampok na laro nga-yon ang sagupaan ng Bulls at Beermen sa alas-7:20 ng gabi sa pagba-balik ng aksiyon sa Cuneta Astrodome.
Ikalawang sunod na panalo ang puntirya ng Red Bull tulad ng Coca-Cola na sasagupa naman sa Purefoods TJ Giants sa pambungad na laro sa alas-4:35 ng gabi.
Sinimulan ng Bulls ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng impresi-bong 98-88 panalo laban sa kanilang karibal na Purefoods noong magbu-kas ang season ending conference na ito noong Linggo.
Walang Mick Pennisi na maaasahan ang Bulls dahil ipinahiram ito sa national team ngunit naging epektibo naman ang kanilang import na si James Penny na nagbida sa kanilang nakaraang tagumpay.
Bagong coach, bagong import, minus Danny Seigle at Dondon Hontiveros naman ang San Miguel na ngayon pa lamang magde-debut sa kumperensiyang ito.
Tatayong interim coach si Biboy Ravanes para sa Beermen mata-pos magbalik si coach Chot Reyes sa kanyang obligasyon sa national team kung saan hinugot niya sina Seigle at Honti-veros.
Kahit ganito ang nang-yari sa kanilang team, nais nilang ipakita na kaya nilang makipagsabayan sa ibang teams na hindi nalagasan ng players na lalaro sa All-pro national squad na sasabak sa Olympic pre-qualifying tournament na FIBA-Asia Championships.
Nadiskaril ang Beer-men sa kanilang unang import na si Kelly Whit-ney na lu-magpas sa height ceiling na 6-foot-6 at umaasa silang maibibigay ni Vidal Mes-siah ang kanilang kaila-ngan.
Maganda naman ang nagging simula ng Coke sa kanilang kampanya sa kumperensiyang ito mata-pos ang 81-78 panalo kontra sa Welcoat Paints.
Ilang beses na nag-tangkang makabangon ang Dragons na pinalakas ng dalawang imports na sina Alex Compton at Chris Clark para maka-ahon sa 18-point deficit ngunit nanaig pa rin ang Tigers sa dakong huli sa tulong ng kanilang import na si Anthony Johnson na siyang nagbida sa ikaapat na quarter. (MBalbuena)