^

PSN Palaro

4 na Pinoy pasok sa quarterfinals

-
Apat na Filipino pool campaigner na lamang ang nalalabi sa knock-out stage at matagumpay na nakapasok sa quarterfinal round matapos nilang idispatsa ang kani-kani-lang katunggali sa pagpa-patuloy ng third annual World 8-Ball Champion-ship na ginaganap sa Al Bashton Hall sa Fujairah, United Arab Emirates (UAE).

 Ito’y kinabibilangan nina 2006 World Pool Champion Ronato Alcano at 2006 World Pool League winner Dennis Orcollo at dalawang over-seas Filipino worker na sina Elvis Calasang at Joven Bustamante.

Ang 34 anyos na si Alcano na tubong Calamba, Laguna ay nanaig sa kapwa niya world 9-ball champion na si Thorsten Hohmann ng Germany (10-3) sa round-of-32 at muling nangibabaw kay Naif Al Jeweni ng Kingdom of South Africa sa parehas din na 10-3 panalo sa round-of-16 noong Martes ng gabi.

Nanaig naman ang kini-kilalang Philippine Billiard money game king na si Orcollo kay Bun Nunan ng Austria (10-3) sa round-of-32 at nakaungos naman sa isa pang dating world 9-ball king Ralf Souquet ng Germany (10-8).

Sa isang banda, tinalo ni Calasang si Joyme Vicente, isa ding OFW at coach ng UAE sa makapagpigil-hiningang 10-9 victory sa round-of-32 at sinindak si Hui-Kai Hsia ng Taiwan (10-6) sa round-of-16.

Nagpakitang gilas din si Joven Bustamante na nanaig kay Farhad Sha-verdi ng Iran (10-6) sa round-of-32 at Goran Mladenovic ng Serbia and Montenegro (10-7) sa round-of-16.

 May sigurado ng Filipi-nong makakapasok sa semi-final round kung saan magku-krus ng landas sa main draw sina Alcano at Calasang. Ang iba pang laban sa final four ay Orcollo kontra kay Marcus Chamat ng Sweden; Busta-mante kontra kay Thomas Engert ng Germany at Nick Van Den Berg at Niels Feijen, ng Netherlands.

Hindi naman sinuwerte na makausad sa susunod na round ang iba pang Pinoy bets na sina dating world no.1 Francisco "Django" Busta-mante, Lee Van Corteza at iba pang OFW na kinabibi-langan nina James Al Ortega at Mario "Aklan" Tolentino.

Si Efren ‘Bata’ Reyes naman ang kauna-unahang nakasulong sa round-of-16 matapos talunin ang OFW na si Ortega (10-2) subalit kinapos kay Chamat sa round-of-16 (10-7) para mabigong makapasok sa round of 8.

AL BASHTON HALL

ALCANO

BALL CHAMPION

BUN NUNAN

BUSTA

JOVEN BUSTAMANTE

ROUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with