^

PSN Palaro

Peñalosa, nasa porma at kondisyon

-
Ito na ang pinakama-gandang pangangatawan at kondisyon ni dating Filipino world boxing champion Gerry Peña-losa.

Bilang paghahanda sa kanyang world champion-ship fight sa Marso 17, nasa maigting na prepa-rasyon na ang 34-anyos na si Peñalosa sa Wild-card Boxing Gym ni American trainer Freddie Roach.

Kasabay si Filipino fighter Diosdado "The Prince" Gabi, araw-araw nagja-jogging si Peñalosa, dating naghari sa super flyweight division ng World Boxing Council (WBC), sa Sunset Boulevard patu-ngo sa tanyag na Griffith Park kung saan naman siya nagsha-shadow boxing.

Nakatakdang hamu-nin ng kaliweteng si Peñalosa si Mexican World Boxing Organiza-tion (WBO) super bantam-weight champion Daniel Ponce De Leon sa Marso 17 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Iaakyat ni Peñalosa ang matinding 51-5-2 win-loss-draw ring record, tampok rito ang 34 knockouts, kumpara sa dalang 30-1 (28KOs) ng 26-anyos na si Ponce De Leon.

Kumpiyansa ang pam-bato ng Cebu City na mananaig siya kay Ponce De Leon upang muling kilalaning world boxing champion.

Huling biniktima ni Peñalosa si Mauricio Mar-tinez ng Columbia mata-pos umiskor ng isang 9th round TKO sa kanilang super bantamweight fight sa Don Haskins Center sa El Paso, Texas.

Sakaling manalo si Peñalosa kay Ponce De Leon, isang P100,000 na cash incentive ang nag-hihintay sa kanya mula kay dating Cebu City Sports Commission chair-man Jonathan Guardo. (Russell Cadayona)

BOXING GYM

CEBU CITY

CEBU CITY SPORTS COMMISSION

DANIEL PONCE DE LEON

DON HASKINS CENTER

EL PASO

FREDDIE ROACH

GERRY PE

GRIFFITH PARK

JONATHAN GUARDO

PONCE DE LEON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with