Henin reyna ng Qatar Open
March 5, 2007 | 12:00am
DOHA, Qatar – Nakopo ng top-seed na si Justine Henin ng Belgium ang titulo sa Qatar Open matapos igupo ang second pick na si Svetlana Kuznetsova sa finals nitong Sabado para ipagpatuloy ang kanyang dominasyon sa disyerto.
Pinaganda ni Henin ang kanyang record sa Arabian Gulf sa 22-1 at hindi pa ito natatalo sa Dubai kung saan nanalo siya ng titulo noong 2003, 2004, 2006 at nitong nakaraang linggo.
Sa kanyang panalong ito, nakaganti siya sa kabiguan kontra kay Kuznetsova sa 2004 semi-finals matapos nitong igupo ang Russian sa pinakamagaang tagumpay sa linggong ito.
"I like to win titles I have not won before," ani Henin. "I like the Gulf. Dubai is like a home."
Tinapos din ni Henin ang paghawak ng Russia sa titulo simula noong 2003 nang una itong mapanalunan ni Anastasia Myskina kasunod ni Maria Sharapova noong 2005 at ni Nadia Petrova noong nakaraang taon.
Ito ang ika-31 career-title ni Henin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended