^

PSN Palaro

Reserve players at free agents may pagkakataon na

- Mae Balbuena -
Hindi na kailangan pa ang apprenticeship prog-ram ng Philippine Basket-ball Association (PBA) para sa mga teams na nagpahiram ng kanilang marquee players sa national team.

Dahil sa pakiusap ng Philippine Basketball League na huwag mu-nang pakialaman ang kanilang mga players, nakuntento na lamang ang mga teams na na-walan ng mga star players na kasama sa national team ni coach Chot Reyes sa kanilang mga reserve players at free agents.

Pitong teams ang naapektuhan sa pagbuo ni Reyes ng 12-man All-pro squad na siyang isa-sabak ng bansa sa SEABA Championships at FIBA-Asia Champion-ships patungo sa 2008 Beijing Olympics.

Tigatlong players ang nawala sa Barangay Ginebra at Talk N Text, dalawa sa San Miguel, tig-isa sa Alaska, Purefoods, Red Bull at Air21.

Para sa Ginebra, ang kampeon sa nakaraang Philippine Cup, kinuha nilang kapalit nina Mark Caguioa, Rudy Hatfield at Jayjay Helterbrand ay sina Rodney Santos, Egay Echaves at Paolo Hubal-de.

Ipinahiram naman ng Phone Pals sina Asi Taulava, Jimmy Alapag at Ren-ren Ritualo at kinuha nilang kapalit sina Egay Billones, Jonathan Aldave at Abby Santos.

Para sa San Miguel, muli nilang ini-reactivate sina Brandon Lee Cablay at Francis Adriano kapalit nina Danny Seigle at Dondon Hontiveros. Para sa Alaska na nawalan ng Tony dela Cruz ay ginawa nilang aktibo si Mike Cortez, si Arnold Gamboa naman ang kapalit ni Kerby Raymundo para sa Purefoods TJ Giants, si Mike Hrabak para sa Red Bull kapalit ni Mick Pennisi.

Wala pang ibinibigay na replacement ang Express para kay Ranidel De Ocampo.

Sa naturang ‘appren-ticeship program’ pinaya-gan ang mga teams na kumuha ng mga amateur players bilang panakip butas sa mga players na ipapahiram sa national team.

Gayunpaman, nakiu-sap ang mga teams ng PBL na hayaan muna ang kanilang mga star players na tapusin ang kanilang huling kumpe-rensiya sa amateur league.

ABBY SANTOS

ARNOLD GAMBOA

ASI TAULAVA

ASIA CHAMPION

PLAYERS

RED BULL

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with