Sa US muna ang RP team
March 2, 2007 | 12:00am
Uunahin na ni coach Chot Reyes ang pagsasanay ng RP team sa United States.
Hangad ni Reyes na agad sumailalim ang kanyang 12-man RP squad sa masusing training kaya plano nitong magtungo agad sa Los Angeles para sa isang traning Camp.
Gayunpaman, kakailanganin muna ng perang gagastusin at ito ang makakaantala sa pagsasanay ng Pambansang koponang isasabak sa SEABA Championships sa darating na Mayo na magiging daan sa FIBA Asia Championships, ang qualifying tourna-ment para sa 2008 Olympics sa Beijing China.
Hinihintay pa ni Reyes na maaprubahan ang budget para sa RP team mula sa PBA. Tinatayang aabot sa P40 milyon ang gagastusin ni Reyes para sa mga biyahe.
Ngunit tinatayang aabot sa P70 milyon ang kakailanganin ng All-pro team kung isasama ang kanilang suweldo at iba pang gastusin.
"We still have to do the administrative work, clean house first, before we start training," wika ni Reyes. Ang traning camp ay tatagal ng 14 araw kung saan ang maghapon ng RP squad ay magiging abala mula alas-7:30 ng umaga hanggang alas-8:30 ng gabi.
"That camp will run players to the ground. It will be a working trip for each and everyone of us in there. There will be no rest."
Bukod sa U.S. trip, sasabak din sa ilang mga international tournaments ang RP Team sa Australia, Qatar at isa dito sa Manila. Sa oras na aprobahan ng PBA Board ang budget proposal ni Reyes ay makakapag-simula nang mag-training ang 12-man RP team at inaasahan ni Reyes na masisimulan na niya ito sa susunod na linggo.
Kasalukuyang nasa States ang mga Ginebra stars na sina Fil-Ams Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand at Rudy Hatfield para makasama ang kanilang mga pamilya mata-pos makopo ng Gin Kings ang titulo sa kata-tapos lamang na Talk N Text PBA Philippine Cup.
Kaya’t kung maaayos na ang biyahe sa Los Angeles ay susunod na lamang ang tatlong Ginebra players doon para sumama sa training.(Mae Balbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest