Kriterya ang pagbabasehan
February 25, 2007 | 12:00am
Hindi na ang pondo ang magdidikta kung gaano karami ang mga national athletes na ipapa-dala para sa darating na 24th Southeast Asian Games sa Thailand sa Disyembre.
Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Jose "Peping" Cojuangco, Jr., kasalukuyan nang pinag-uusapan ng binuong SEA Games Task Force ang gagamiting kriterya para sa ibibilang na mga atleta.
"Hindi iyong ganito ang budget at ganito lang karami ang mga atletang isasama natin for the 2007 Southeast Asian Games," ani Cojuangco.
"Iyong kailangang pumunta sa 2007 Thai-land SEA Games we will do our utmost best to send them."
Ang mga atletang kumuha ng gold at silver medal sa nakaraang 2005 Philippine SEA Games ay awtomatiko nang isasama sa delegasyon para sa 2007 Thailand SEA Games.
"Hopefully we can come up with the guide-lines as to the people who we will be sending to the 2007 Thailand SEA Games," wika ni Co-juangco.
Ang SEA Games Task Force ay pinamumunuan nina co-chairman Richie Garcia ng PSC at Julian Camacho ng POC.
Ang Team Philippines ang umangkin sa overall championship ng 2005 SEA Games matapos magposte ng 112 gold, 84 silver at 96 bronze medals para alisan ng korona ang 2003 SEA Games ruler na Vietnam.
Humigit-kumulang sa 300 hanggang 400 ang magiging bilang ng RP Delegation para sa 2007 Thailand SEA Games, ayon kay Garcia. (RC)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am