^

PSN Palaro

Nakakatawang Sports injuries

GAME NA! - Bill Velasco -
Parang malamya ang dating ng NBA All-Star game, dahil marami sa mga napili ng mga fans ay hindi nakalaro. Kasama sa mga injured ay sina Steve Nash, Allen Iverson, Yao Ming at Carlos Boozer. Marami tuloy ang nagtatanong kung nagpapalusot lang ang mga players para makapagpahinga’t di na maglaro sa All-Star.

Dahil dito, sinaliksik ng inyong lingkod ang mga nakakatawang mga injury na nagbunga ng di-paglalaro ng mga professional athlete.

Simulan natin kay Glenallen Hill, oufielder ng Toronto Blue Jays sa Major League Baseball. Minsang nanaginip si Hill na natatakpan siya ng mga kinakatakutan niya: gagamba. Dahil dito, bumaligtad siya sa kama’t bumagsak sa isang mesang salamin. Nawasak ang salamin at nasugatan. Siya tuloy ang kauna-unahang atletang nalagay sa injury list dahil sa bangungot.

Isa pa itong si John Smoltz, napakahusay na pitcher ng Atlanta Braves. Minsan, di nakapaglaro si Smoltz dahil siya ay namamalantsa. Isa lang ang problema: suot niya yung damit na plinantsa niya.

Masahol din itong si All-Star Wade Boggs. Ang award-winning hitter ay napilayan sa likod dahil lamang nagsuot siya ng cowboy boots. Malala din ang kilalang batter na si Sammy Sosa ng Chicago Cubs. Alam natin na matibay ang katawan ni Sosa, dahil nakipaghabulan siya kay Mark McGwire sa dami ng homerun noong 1998. Pero minsa’y, hindi siya nakapaglaro dahil sa back spasms. And dahilan: isang matinding bahing.

May mga players naman na hindi dapat pahawakin ng mga matutulis na bagay. Halimbawa itong si Adam Eaton ng San Diego Padres, na inulat na nasaksak ang sarili dahil gumagamit ng kutsilyo upang buksan ang isang DVD sa kanyang bahay. Ang galing!

Nakarinig na ba kayo ng isang player na nasaktan dahil kumakain ng doughnut? Si Kevin Mitchelle, isang matinik na batter na naglaro sa Major League team ay minsa’y hindi nakasali sa apat na araw na spring training noong 1990. Ang dahilan? Kumain ng doughnut, sumakit ang ngipin at nangailangan ng root canal.

May tatalo pa kaya kay Clarence Blethen ng Boston Red Sox? Sa isang laro, nilagay si Blethen ang kanyang pustiso sa kanyang bulsa at nalimutan. Sa pagdulas niya sa second base, naipit ang pustiso’t ‘nakagat siya sa hita.

Ang sagot diyan, meron. Ang pitcher ng Cincinnati Red na si Scott Williamson. Ilang linggong napaaga ang pagta-pos ng 2002 season ni Williamson nang masara nya ang pinto sa sarili niyang paa. Nadurog ang dalawang daliri ng paa niya’t di na siya nakapaglaro.

Ang katangahan ay walang kinikilala.

ADAM EATON

ALL-STAR WADE BOGGS

ALLEN IVERSON

ATLANTA BRAVES

DAHIL

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with