Masama ang simula ng Port Masters ngunit nagawan nila ito ng paraan sa second half upang kunin ang come-from-behind na 63-61 panalo sa Game-Two ng titular showdown kontra sa Hapee-PCU sa Emilio Aguinaldo Gym kahapon.
"We started bad and we picked up in the middle of the third quarter up to the fourth," pahayag ni Harbour Centre coach George Gallent na nga-yon ay may 2-0 kalama-ngan na sa best-of-five championship series.
Muling naasahan si Chico Lanete na siyang nagbida para sa koponan sa kanyang tinapos na game-high na 20-puntos para sa Harbour Centre na naghigpit ng depensa sa final canto kung saan nalimitahan ng isang bas-ket ang Teethmasters.
"What can I say about Chico. If Chico playes well the whole team plays well. If he plays bad, the whole team plays bad," wika ni Gallent sa kanyang key player.
Umiskor si Lanete ng jumper at tres upang aga-win ng Port Masters ang kalamangan sa 63-61 papasok sa huling minuto ng laro.
Nagkaroon ng pagka-kataong isubi ng Teeth-masters ang panalo ngunit nagmintis si Allan Gamboa sa kanyang krusyal na lay-up gayun-din ang pampanalong tres ni Mark Moreno na baga-mat tinangkang i-follow-up ni Beau Belga ay su-mablay din ito hanggang sa tumunog ang final buzzer.
Dahil sa 11-turnovers, nabaon ang Port Masters sa 28-8 sa unang canto ngunit naging epektibo ang kanilang adjustments sa ikalawang bahagi ng labanan kung saan tanging si Ronald Bucao lamang ang nakaiskor sa ikaapat na quarter ng tres.
Nakasama sa Hapee-PCU ang pagkawala ni Larry Rodriguez na na-sprain, may mahigit anim na minuto pa ang natitira sa labanan.
Abante pa ang Hapee ng 14-puntos, 58-44 sa kalagitnaan ng ikatlong quarter at ang kanilang tanging basket na tres mula kay Bucao ang nag-bigay sa kanila ng 61-52 kalamangan.
Gayunpaman, hindi na nakaiskor ang Teeth-masters sa huling 6:41 minuto ng labanan sa pagkulapso ng kanilang opensiba at dahil dito, obligado ang Hapee-PCU na ipanalo ang huling nalalabing tatlong laro sa serye upang makopo ang titulo.