^

PSN Palaro

POC Board magpupulong

-
Nakatakdang magpu-long ngayon ang Execu-tive Board ng Philippine Olympic Committee para talakayin ang magiging rekomendasyon ni Ba-colod Rep. Monico Puen-tevella ukol sa isinumiteng application for accredita-tion ng Basketball Asso-ciation of the Philippines-Samahang Basketbol ng Pilipinas (BAP-SBP).

Inaasahang ang por-malidad na lamang sa pagtanggap sa BAP-SBP bilang isang lehitimong sports association ang mangyayari sa pagpapa-sa ni Puentevella, ang chairman ng POC Mem-bership Committee, sa kanyang rekomendasyon sa Executive Board.

"I’m pretty much sure that it will be 99 percent na mali-lift na ng FIBA ang suspension sa atin," wika ni Puentevella, unang nakabasa at nagsaliksik sa ipinasang application for accrediation ng BAP-SBP.

Matatandaang binig-yan na ni FIBA secretary-general Patrick Baumann ang BAP-SBP, pinangu-ngunahan ni PLDT boss Manny V. Pangilinan bilang presidente, ng kati-yakan na sa sandaling makuha nila ang reko-mendasyon mula sa POC ay awtomatiko nang malulusaw ang suspen-syon sa bansa.

Sinuspinde ng FIBA, ang international basket-ball federation, ang bansa bilang miyembro noong Hulyo ng 2005, isang buwan matapos na-mang sibakin ng POC General Assembly ang BAP bilang miyembro.

Matapos ang pulong ng POC Executive Board, pormal na ipi-prisinta naman nito sa itinakdang es-pesyal na Gene-ral Assembly bukas ang pag-bibigay ng re-kognisyon sa BAP-SBP. (Russell Cadayona)

BASKETBALL ASSO

EXECUTIVE BOARD

GENERAL ASSEMBLY

MANNY V

MONICO PUEN

PATRICK BAUMANN

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINES-SAMAHANG BASKETBOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with