Humataw si Taulava ng 30-puntos, 21 nito ay sa second half para sa kauna-unahang third place trophy ng Phone Pals sa All-Filipino Confe-rence at ikatlo sa kabu-uan.
Naghatid naman si Anthony Washington ng career-high na 27-puntos, 13 nito ay sa unang quar-ter na naging mitsa ng tuluy-tuloy na paglayo ng Phone Pals tungo sa kanilang tagumpay mata-pos madiskaril sa pag-pasok sa kampeonato bunga ng 2-4 pagkatalo sa Barangay Ginebra sa kanilang sariling semis-series.
Naging malaking ben-tahe para sa Phone Pals ang pagkawala ni coach Yeng Guiao na nagsilbi ng kanyang one-game sus-pension nang diumano’y sikuhin nito si Dondon Hontiveros sa kanilang semifinal game laban sa San Miguel Beer na siyang pumasok sa kam-peonato via 4-3 panalo sa kanilang best-of-seven championship series.
Nanguna si Cyrus Baguio sa pagsusumite ng 27-puntos para sa Red Bull na hinawakan ni coach Gie Abanilla bilang kapalit ni Guiao.
Punum-puno ang Ara-neta Coliseum kagabi para sa opening game sa best-of-seven champion-ship series sa pagitan ng crowd-drawer na Ba-rangay Ginebra at San Miguel Beer na kasalu-kuyang naglalaban ha-bang sinusulat ang bali-tang ito.
Samantala, nakatak-dang makipagpulong sa Lunes si PBA Commis-sioner Noli Eala sa bagong tatag na BAP-SBP upang talakayin ang pagbuo ng national teams para sa iba’t ibang inter-national tournaments.
Inaasahang muling bubuhayin ang national pool ng PBA na minando ni coach Chot Reyes na nagbalik na sa regular coaching sa San Miguel.(Mae Balbuena)