2 Mexican boxers nais ‘sumakay’ kay Pacquiao

Matapos ihayag ni Bob Arum ng Top Rank Pro-motions ang pagkakansela sa laban ni Filipino boxing hero Manny Pacquiao kay Korean world champion In Jin Chi, dalawang Mexican fighters ang nagprisinta ng kanilang mga sarili bilang katunggali. 

Ang dalawang ito ay sina World Boxing Asso-ciation (WBA) lightweight titlist Juan Diaz at super featherweight Miguel "El Anestesista" Huerta. "I noticed that Pacquiao weighed 142 lbs. on the night he fough (Erik) Morales," ani Willie Savannah, manager ni Diaz.

"Juan would be willing to consider putting his belt on the line against the great Pacman," 

Nauna nang ibinunyag ni Arum na hindi na matu-tuloy ang pagdedepensa ng 28-anyos na si Pacquiao ng kanyang suot na World Boxing Council (WBC) International super featherweight crown sa 33-anyos na si Chi, ang kasalukuyang WBC featherweight ruler, sa Abril 28 sa Macau, China.     

 At sa halip, naghahanap na si matchmaker Bruce Trampler ng isang Mexican fighter na maaaring mabigay ng magandang laban kay "Pacman" sa Abril 21 sa Alamodome sa San Antonio, Texas. 

Sa naturang lugar pinatigil ni Pacquiao si Marco Antonio Barrera, ang nagdodomina ngayon sa WBC super featherweight division, sa 11th round ng kanilang "People’s Featherweight Championship" noong Nobyembre ng 2003. 

"If the Pacman is coming to Texas on April 21, I believe we have a perfect opponent for him in one Juan Diaz. We are not the type of people to call boxers out, but this is a bout that would be one for the sake of boxing with two young guys putting it on the line," ani Savannah. 

Katulad ni Diaz, gusto rin ni Huerta na makakuha ng kasikatan mula kay Pacquiao, tinalo si Morales sa ikalawang pagkakataon noong Nobyembre ng 2006 sa Las Vegas, Nevada.

 "It would be an honor to mix it up with Manny," sabi ni Huerta, nagbabandera ng 23-7 win-loss ring record, tampok rito ang 16 knockouts. "I’m at my best right now. I’m completely focused and training like a champion. Manny won’t be able to handle my punch." (Russell Cadayona) 

Show comments