^

PSN Palaro

Rematch vs Pacquiao nais ni Barrera

-
Matapos ang kanyang pagdedepensa kay Juan Manuel Marquez sa Mar-so, isang malaking re-match naman kay Filipino boxing hero Manny Pacquiao sa Setyembre ang pinupuntirya ni Mexi-can boxing great Marco Antonio Barrera. 

Sinabi kahapon ni Barrera na hiniling na niya kay Oscar Dela Hoya ng Golden Boy Promotions na ireserba ang Setyem-bre 15 bilang posibleng upakan nila ng 28-anyos na si Pacquiao sa Las Vegas, Nevada. "I think there will be no problem if I request Oscar (Dela Hoya) to reserve for me the September 15 date, an ideal date for me to fight in Las Vegas, and then hang up the gloves," ani Barrera. 

Sapul nang pigilan ni Pacquiao sa 11th round ng kanilang "People’s Featherweight Cham-pionship" noong Nobyem-bre ng 2003 sa Alamo-dome sa San Antonio, Texas, kabi-kabilang panalo na ang itinala ng 33-anyos na si Barrera.

 Si Barrera ang kasalu-kuyang super feather-weight champion ng World Boxing Council (WBC) na kan-yang idede-pensa kay Mar-quez sa Marso 17 sa MGM Grand sa Las Vegas. 

Naantala ang rematch nina Barrera at Pacquiao dahilan sa ‘promotional tussle’ sa pagitan nina Dela Hoya at Bob Arum ng Top Rank Promotions. 

Sa kabila nito, umaasa pa rin si Barrera na maitatayo niya ang kanyang dangal laban kay Pacquiao sa muli nilang pagkikita sa ibabaw ng lona sa Setyembre bago siya magretiro sa Disyem-bre ng 2007. 

"I have already had Septem-ber fights in the United States and it had gone on me very well. That month please don’t say goodbye to boxing, since my decision was to make defenses this year and then hung up the gloves," ani Barrera. (Russell Cadayona)

BARRERA

BOB ARUM

DELA HOYA

FEATHERWEIGHT CHAM

LAS VEGAS

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with