^

PSN Palaro

Gorres, Bautista handang-handa na

-
Handang-handa na sina Filipino fighters Z "The Dream" Gorres at Rey "Boom Boom" Bau-tista para sa kani-kanilang laban sa "The Moment of Truth" sa Pebrero 24 sa Cebu City. Sinabi kaha-pon ni Gorres na wala na siyang iniisip kundi ang kanyang paghahamon kay World Boxing Orga-nization (WBO) super flyweight champion Fer-nando Montiel ng Mexico. 

"Wala na talaga akong ibang iniisip kundi ang laban namin ni Fernando Montiel," wika ni Gorres, ang kasalukuyang Philip-pine super flyweight champion, sa kanyang pagsagupa sa Mexican warrior na nauna nang inutusan ng WBO na itaya ang kanyang korona sa Filipino fighter. 

Kumpiyansa naman ang 19-anyos na si Bau-tista na matatalo niya si Colombian Feider Viloria sa kanilang ban-tamweight bout. 

"Kapag nanalo ako kay Viloria, siyempre may chance akong makakuha ng isang championship fight sa US. Kaya kaila-ngan talagang talunin ko si Viloria," sabi ni Bautista, ang sinasabing susunod sa kasikatan ni Filipino boxing hero Manny Pac-quiao.

 Hindi pa man naka-kalaban si Viloria ay itinakda na ni Oscar Dela Hoya ng Golden Boy Promotions ang pakikipagbanggaan ng 19-anyos na si Bau-tista kay Sergio Medina ng Argentina sa Mayo 5 bilang undercard sa Dela Hoya-Floyd May-weather, Jr. world championship sa Las Vegas, Nevada.

 Upang lalo pang paigtingin ang pag-hahanda nina Gorres at Bau-tista, nakatakdang dumating sa bansa si trainer Freddie Roach sa Pebrero 17. 

Bukod kina Gorres at Bautista, ang iba pang Pinoy na makikita sa aksyon sa "The Moment of Truth" ay sina Jimrex ‘The Executioner’ Jaca, Alex John Banal, Bert Batawang, Milan Milendo, Joseph Omanz, Juan Martin Elorde, apo ng boxing legend na si Gabriel "Flash" Elorde, at Weng Haya. (RC) 

ALEX JOHN BANAL

BAU

BAUTISTA

GORRES

MOMENT OF TRUTH

VILORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with