2-0 target ng Toyota, Hapee
February 3, 2007 | 12:00am
Si Marvin Cruz ang sinasabi ni coach Louie Alas na siyang magdadala sa Toyota Otis sa tugatog ng tagumpay.
"Si Marvin Cruz, ibang klaseng point guard yan. Wala ka nang adjective na masasabi tungkol sa kanya," ani Alas sa dating Fighting Maroon ng University of the Philippines. "Siya ang barometer ng Toyota Otis. Kung nasaan siya, nandoon rin ang team."
Pinatunayan ito ni Cruz nang igiya ang Sparks sa isang 84-77 panalo kontra karibal na Harbour Centre Port Masters sa Game 1 ng kanilang best-of-five semifinals series para sa 2007 PBL Silver Cup.
Sa naturang tagumpay, nagposte ang 5-foot-10 na si Cruz ng 19 puntos, 4 assists, 3 rebounds, 2 steals at 1 shotblock para sa 1-0 abante ng Toyota.
Muling masusubukan ang liderato ni Cruz sa pagkikita ng Sparks at ng Port Masters ngayong alas-4 ng hapon matapos ang upakan ng Hapee-PCU Teethmasters at Mail & More Comets sa alas-2 para sa Game 2 ng kani-kanilang serye.
Iginupo ng Hapee-PCU ang Mail & More, 81-67, na tinampukan ng pagpuwersa sa Comets sa 31 turnovers, 17 rito ay itinulak ng Teethmasters sa first half kung saan nila kinuha ang 50-33 abante patungo sa panalo.
"We rushed our plays in the final four minutes of the game," ani coach Jorge Gallent sa kanyang Harbour Centre na naglista ng isang 13-point lead, 72-59, sa huling 6:21 ng fourth quarter bago kumulapso. "But the most important thing that we have to do is to limit the production of Marvin Cruz."
Katulad ni Alas, inaasahan rin ni coach Jun Noel ang pagbangon ng Mail & More ni Lawrence Chongson makaraang mabigo sa series opener.
"Definitely, we will go for it para hindi na makabalik ang Mail & More. But we have to be ready kasi tiyak na babalik ang Mail & More sa Game 2" wika ni Noel.
Ang mananaig sa naturang dalawang semis series ang magtatagpo para sa best-of-five titular showdown. (RCadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am
November 16, 2024 - 12:00am
November 15, 2024 - 12:00am