BEERMEN, GINS ABANTE NA

Isang mintis ni Asi Taulava at turnover ni Jimmy Alapag para sa Talk N Text ang nagbigay sa Barangay Ginebra ng 3-2 abante sa kanilang semifinal series.

 "What a game. I mean, you can’t take any game lightly. The players just found a way to win," ani coach Jong Uichico sa 108-105 pananaig ng kanyang Ginebra sa Phone Pals sa Game 5 na naglapit sa kanila sa isang finals seat para sa 2007 PBA Philippine Cup kahapon sa Araneta Coliseum.    

 Mula sa malaking 35-20 lamang ng Ginebra, pinamunuan ng 31 puntos ni Mark Caguioa, sa first period, pinalobo pa nila ito sa 59-38 sa second quarter bago naagaw ng Talk N Text ang unahan, 101-95 sa huling 3:53 ng final canto mula sa jumper ni Harvey Carey.

 Huling natikman ng Phone Pals ang unahan sa 105-103 buhat sa basket ni Taulava, 49.6 segundo rito, kasunod ang freethrows ni Sunday Salvacion at dalawang fastbreak basket nina Caguioa at JayJay Helterbrand mula sa mintis ni Taulava at turnover ni Alapag para sa 108-105 bentahe ng Gin Kings sa natitirang 2.9 tikada.

 Ito rin ang nakuhang pagkakataon ng San Miguel matapos gibain ang Red Bull Barakos, 111-82, sa unang laro para angkinin ang 3-2 abante sa kanilang best-of-seven semis war.

 "We’re going to go all out for that win on Sunday," sabi ni mentor Chot Reyes, nakakolekta ng apat na tres kay Wesley Gonzales, 3 kina Chris Calaguio at Olsen Racela at 2 kay Danny Seigle.

 Matapos ilista ang 87-70 abante sa 7:03 ng final canto, hindi na nilingon pa ng Beermen ang Bulls, naitabla sa 2-2 ang serye, mula sa pagtatala ng isang 103-77 abante, 2:38 rito.(RCadayona)

Show comments