Kamakalawa lamang, napatid ang kanilang 17-game winning streak ng Minnesota Timberwolves.
Subalit ipinagkibit-balikat lamang ni head coach Mike DAntoni ito at sinabi lamang na Well start another one. This is fun."
Bihirang sabihin ng coach iyan pag natatalo.
Ito na ang pangalawang mahabang serye ng panalo ng Suns sa taong ito.
Nauna rito, dinaig nila ang kanilang pinakamagandang record na panalo sa 15-sunod.
Ito ay dahil sa tindi ng opensa nila.
Halimbawa lamang ang kanilang laban sa Timberwolves.
Nakapagtala sila ng 95-puntos sa unang tatlong quarters pa lamang. Kinapos lang sila sa fourth quarter.
Ano ang sikreto ng Suns?
Una, labis ang balance ng kanilang atake.
Bukod kay Steve Nash, malaki ang naiaambag ni Amare Stoudamire at Shawn Marion.
Si Stoudamire ay may 18.7 puntos at 9.7 rebounds bawat laro habang si Marion naman ay nasa 18.1 puntos at 9.2 rebounds.
Bagamat medyo maliit ang line-up ng Phoenix, maliliksi sila at natatakasan ang mga depensa ng kalaban.
Marami ang nagsasabi na dapat maisama ang dalawa sa All State Game sa Las Vegas. Subalit ang pinakasusi sa kanilang tagumpay ay si Steve Nash.
Dalawang taon na siyang tinanghal na Most Valuable Player at ang sabi ng isa ay dapat na maging pangatlong taon na niya bilang MVP.
Ang pagiging lider ni Nash ay litaw na litaw sa lahat ng laro nila. Karaniwan na sa kanya ang magtala ng mahigit sampung assists sa isang laro.
Ang kinagigiliwan ng mga NBA fans ay ang bilis ng laro ng Suns at ang taas ng kanilang scoring.
Takbuhan ng takbuhan gaya ng basketball noong 1970s.
Dahil dito, pakiramdam ng mga fans ay sulit ang kanilang ibinayad.
Ang tanong lamang ay kung masasama sina Nash, Marion at Stoudamire sa All-Star Game.