Humalili ang Guinness sa dating puwesto bilang title sponsor ng San Miguel Beer at upang makaakit ng mga kalahok ay dinoble nila ang kabuuang premyong paglalabanan na $320,000 mula sa $160,000.
Ang natatanging tour sa Asia ay magkakaroon ng anim na leg, pinakamahaba sapul nang simulan ang kompetisyon noong 2003. Ang Grand Finals ay sa Bali Indonesia at kasali rito ang mangungunang 10 manlalaro base sa kanilang ranking.
Uumpisahan sa Jakarta, Indonesia sa Abril 20, ang bawat leg winner ay magbibitbit ng $15,000 habang ang tatanghaling kampeon ay magbibitbit ng $36,000.
Hindi makakasali ang pambato ng bansa na sina Efren Bata Reyes at Francisco Django Bustamante sa kompetisyon pero matikas pa rin ang kampanya ng Pilipinas dahil sa paglahok nina World Pool Champion Ronato Alcano, Asian Games gold at silver medalist Antonio Gabica at Jeff De Luna, Dennis Orcullo at Gandy Valle.
"Pool is about accuracy and consistency, and players need to be precise and consistent, just as we are when we make every pint of Guinness," wika ni David Gates, category director ng gumagawa ng Guinness Beer.(ATAN)