^

PSN Palaro

Pacquiao ‘di nakaalis para sa meeting niya kay Arum

-
Nakatakda sanang magtungo kagabi sa United States si Filipino boxing hero Manny Pacquiao para pag-usapan nila ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang kanilang laban ni Korean world champion In Jin Chi ngunit dahilan sa napuyat sa paglalaro ng bilyar, hindi na nakabangon pa ang 28-anyos na si Pacquiao para magbihis at dumiretso sa airport.

Gusto sana ni Arum na talakayin nila ni Pacquiao ang pagdedepensa nito ng kanyang World Boxing Council (WBC) International super featherweight title kay Chi, ang WBC featherweight titlist, sa Abril 28 sa Wynn Hotel and Casino sa Macau, China.

Hangad rin ni Arum na mapapirma si Pacquiao sa kontrata para tiyakin na ang laban nila ni Chi, natalo kay Mexican legend Erik Morales noong 2001 para sa WBC featherweight crown.

Bunga ng ‘contractual dispute’ sa pagitan nina Arum at Oscar Dela Hoya ng Golden Boy Promotions, hindi natuloy ang rematch nina Pacquiao at WBC super featherweight king Marco Antonio Barrera sa Marso 17 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

"I am past that fight," ani Barrera, itataya ang kanyang korona kay Mexican warrior Juan Manuel Marquez sa naturang petsa. "I wanted it but if it does not happen, it does not happen. I am looking to retire in 2007."

Samantala, tuluyan nang hinubaran ng WBC si Omar Nino ng Mexico ng kanyang light flyweight belt bunga ng pagiging positibo sa paggamit ng methamphetamine substance sa kanyang pagdedepensa kay Filipino Brian Viloria noong 2006 sa Las Vegas. Sa pagkahubad ng titulo kay Nino, pag-aagawan naman nina Viloria at Mexican fighter Edgar Sosa ang naturang bakanteng korona mula sa kanilang pagiging No. 1 at No. 2 contender kay Nino.

Tangan ni Viloria, ang dating may suot ng WBC light flyweight belt bago inagaw ni Nino, ang 18-0-1 win-loss-draw ring record at may 26-0-5 slate naman ang 27-anyos na si Sosa.(RCadayona)

BOB ARUM

EDGAR SOSA

ERIK MORALES

FILIPINO BRIAN VILORIA

GOLDEN BOY PROMOTIONS

IN JIN CHI

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

NINO

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with