Dela Hoya kikilos para matuloy ang Barrera-Pacquiao rematch
January 27, 2007 | 12:00am
Mismong si Oscar Dela Hoya ng Golden Boy Promotions ang lalapit kay Bob Arum ng Top Rank Promotions upang ayusin ang rematch nina Mexican world boxing champion Marco Antonio Barrera at Filipino boxing hero Manny Pacquiao.
Ito ay kung personal na hihilingin ni Barrera, ang kasalukuyang World Boxing Council (WBC) super featherweight champion, kay Dela Hoya na muli silang magsagupa ni Pacquiao bago siya magretiro ngayong 2007.
Ang pagkakaroon ng contractual dispute sa pagitan nian Dela Hoya at Arum ang nagpaantala sa inaabangang rematch nina Barrera at Pacquiao sa Marso 17 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
"We will let the courts decide the legal mess regarding Pacquiao," ani Dela Hoya kahapon. "But if Marco wants that fight before he retires this year, I will work at it. I am here for the fighters, to work for them and what they want."
Tinalo ng 28-anyos na si Pacquiao ang 33-anyos na si Barrera sa kanilang "Peoples Featherweight Championships" noong Nobyembre ng 2003 sa Alamodome, Texas, USA.
At matapos nito ay kabi-kabilang panalo na ang itinala ni Barrera, tinaguriang "Baby Face Assasin", kabilang na ang kanyang paggupo kay dating three-division titlist Erik Morales para sa WBC super featherweight crown.
Tinawagan ni WBC president Jose Sulaiman si Pacquiao upang hilingin rito na pumayag na labanan si Barrera sa ilalim ng Golden Boy Promotions. Ngunit hindi siya pinagbigyan ni "Pacman" kasabay ng pagkatig sa Top Rank ni Arum kung saan siya may nilagdaang isang four-year contract.
Ang naturang kontrata at ang pinirmahan ni Pacquiao na isang seven-fight deal sa Golden Boy ni Dela Hoya ang kasalukuyang dinidinig sa isang korte sa Las Vegas.
Sa pag-ayaw ni Pacquiao, kinuha naman ng Golden Boy si WBA at IBF featherweight king Juan Manuel Marquez bilang katapat ni Barrera sa Marso 17.
Itinakda naman ni Sulaiman ang pagdedepensa ni Pacquiao ng kanyang WBC International super featherweight belt kay WBC featherweight ruler In Jin Chi sa Abril 28 sa Wynn Hotel and Casino sa Macau, China. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am