^

PSN Palaro

Adamson nanalo sa kontrobersiyal na laro

-
Nabahiran ng pangit na aksyon mula sa UP head coach ang magandang laban sa pa-gitan ng Lady Maroons at Adamson na kinuha ng Lady Falcons sa pagtatapos ng UAAP softball first round kahapon sa UST Field.

Naglabas ng P200 si coach Kiko Diaz na iniabot sa third base umpire Virgilio Aguila sa pagtatapos ng third inning na kanyang pang-inis na nabayaran umano ito kung kaya’t tumawag ng illegal pitch laban sa pambato niyang pitcher na si Dione Macasu.

Ang illegal pitch ay ginawa habang papalo si Cloiene Muyco pero nagdesisyon din ang bench na palakarin na lamang ito upang magkaroon ng loaded base situation at si Nelsa Delagente ang papalo.

Isang malakas na palo ang ginawa ni Delagente at umabot ang bola sa center field upang makapagtala ng unang Grand-slam sa liga at ang naunang 3-6 paghaha-bol ng Adamson ay naging 7-6 pabor sa kanila.

Ang aksyon ng mentor ay nakasira sa konsentrasyon ng kanyang manlalaro lalo na si Macasu na nagbigay pa ng tatlong homeruns kina Sarah Agravante, Yocel Aguilar at Chat Dichon sa sumunod na dalawang innings upang lumawig sa 11-6 ang kalamangan na siya ring naging pinal na iskor.

Bunga nito ay nawalis ng three time defending champion ang apat na laro sa unang ikutan at kailangan na lamang na ma-duplika ito sa second round upang awto-matikong makuha ang kampeonato. Ang kabiguan ay nagwakas sa tatlong sunod na panalo ng UP na nasa 2nd place na. (AT)

ADAMSON

CHAT DICHON

CLOIENE MUYCO

DIONE MACASU

KIKO DIAZ

LADY FALCONS

LADY MAROONS

NELSA DELAGENTE

SARAH AGRAVANTE

VIRGILIO AGUILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with